Funny We Met.

Kapag ang isang tao, umiiwas sa’yo, maaari isa dito ang dahilan:

beben-eleben:

  • Inlove siya sa’yo.
  • Ayaw niya sa’yo.
  • Baka naman may putok ka o maalingasaw ang hininga mo.
‘Yung akala mo totoo ‘yung forever.

tumblrrmokong:


Hala. I miss you. Then I miss you again. Ooops, sorry. I miss you.

Hala. I miss you. Then I miss you again. Ooops, sorry. I miss you.

via beben-eleben · originally by makemestfu.net

We Could Happen - Aj Rafael

FRIENDS: Pauutangin ka pero ibabalik mo din. BESTFRIENDS: Pauutungin ka tapos Thank you na lang.
After a month.

Ngayon lang ulit ako sinipag mag update ng blog. Nakakatamad kasi e. Buti na lang may wifi na kami. Lol. Kaso kahit may router na, nag aagawan pa din kami ng kapatid ko ng internet at laptop. Kasi naman kulang kami sa outlet. Whatever talaga. Mag effort. Pumunta sa baba. kaloka. Aagawan pa ko, brother?!

Anyways. Wala ako masabi. I’m earning memories for the last past weeks pero wala ako maremember. Ang naaalala ko lang e yong ngayon at kahapon. 

Today (Sept 21, 2012):

Birthday party ng aking lola. It’s her 80th bday. Eto yong surprise ng the whole clan para sa kanya. As in big event ito para sa buong pamilya. HAHAHA. Nandon din yong mga pinsan at tito, tita ko galing probinsya kaya big big event ito. Grabeee. Paulit ulit.  So I cut may last class para makaattend. Actually di totally nag-cut kasi nag-attendance pa din ako at nagpakita sa prof ko. Pero para magpaalam lang na magsusurvey kami sa aming subject respondents para sa thesis namin. HAHA. Ang galing ko talagang leader. So buong grupo ko e nakaalis nang walang hirap sa klase namin kanina. Eh minsan lang naman namin gawin e. Saka nagcocomply naman kami sa requirements niya saka may progress ang aming thesis. Charing. 2 weeks na lang gugugulin namin para matapos to. Okay Cut na!

Then pumunta kami ng friend ko sa Gateway para bumili ng gift para sa Lola ko. So isang oras ang ginugol namin para makapili ng magandang gift. At thanks sa friend na ito at satisfied ako sa gift. Haha.

Venue is Tramway. Ayos naman yong place kaso medyo masikip para sa akin. Haha. Kala ko rented ang buong place para sa aming lahat. Di pala. Pero ayos na din. Unlimited ang food pero di ako satisfied sa service. Ang ewan kasi. Haha. Pero ayos na din kasi kasama naman ang mahal kong mga kamag anak. :)))))))

Yesterday (Sept 22, 2012):

Yesterday was PI day and friend’s birthday. HAHAHAHAHA. Lol. Tengene din talaga tong mga kaibigan ko e. Di nadadaan sa maayos, malumanay, at kahit idaan sa mura, di nadadala. Sapakan na lang oooh! Hahahaha! PI PI PI talaga. :))) Woooh! Ang sarap magbato ng MAC AIR sa MAC Center kahapon. Dalawang oras ako naghintay para sa mga hinayupak na yon. Letse. Ang hirap kausap. 

4:30 pm nasa Mall na ko. Tas 7:30pm sila nagsidatingan. Ang sarap magwala ng mga oras na yon e. Buti na lang napawi ang temper ko nong nakita ko na sila. Grabee. Parang nanganak lang ako. Sarap ng pakiramdam nang makita nila ko e nagtatago na sila sa dilim sabay tumatawa. Ang sarap sa pakiramdam e. Nag-iinit ba. Hahahaha!

Pero seryoso. Nag subside yong init ng ulo ko non kasi nakakatawa sila. Nagsisisihan. Haha. Ewan ko. Parang joke joke lang yong galit galit. Haha.

Kumain, kwentuhan, tawanan, laro sa WOF, tawa, picture, trip. Ganyan as usual ang ginagawa namin. Lagi na lang pero di nakakasawa. Ewan. Letse.

Ang nakakasawa lang e yong inarte ng bawat isa. Ekasi naman, nakakapikon. Ni sino samin nakakapikon. Kahit nagjojoke lang. Siguro sanayan lang talaga. Ang ordinaryong tao hindi makakatagal sa barkadang to. >:))

Oha. Pabwenas. Haba ng comeback post ko. :p

posted 8 months ago
Isa sa mga masarap na feeling ay kapag inaaway mo siya pero nilalambing ka niya.

beben-eleben:

THIS

Anyare? Bat ganto na ang TUMBLR? New look? Grabeeee! Dami na pala nagbago. Parang RELASYOOOOON. Hahaha! 

posted 8 months ago

Hey what’s up?
The Ceiling dude!

At tapos na din ang bobida sa taas. After 3 days. HAHAHA. Tatay ko, si nanay at si Jep ang nagtrabaho para dito. Uhmmm, I helped a lil bit. At least kesa naman don sa dalawang babae dito. Walang ibang ginawa kundi magutos at lumamon. HAHAHA. Am waiting for the painting of the house. Yon, pramis! tutulong ako! Hehehe. ;)

Hey what’s up?

The Ceiling dude!

At tapos na din ang bobida sa taas. After 3 days. HAHAHA. Tatay ko, si nanay at si Jep ang nagtrabaho para dito. Uhmmm, I helped a lil bit. At least kesa naman don sa dalawang babae dito. Walang ibang ginawa kundi magutos at lumamon. HAHAHA. Am waiting for the painting of the house. Yon, pramis! tutulong ako! Hehehe. ;)

posted 9 months ago
When it comes to insults. Always be there for your bestfriend.

sheamnessy:

when your bestfriend insults someone:

but when someone insults your bestfriend:

via dalecute · originally by alcoholslut
After jurasic years, nakapagblog din ako!

Parang taon ang nagdaan. Ngayon lang ulit ako sinipag magblog. Yahoo! Ang dami kasing school works sa school. HAHAHA! Yong nakakapagod na school works. Yong kulang ang oras kapag natulog ka dahil sa school works. Yong naiisumpa mo mga instructors/professors mo da dami at sabay sabay na school works. Yong wala ka nang time sa family mo dahil sa school works. Yong di mo na nakakamusta mga kaibigan mo dahil sa DAMI ng school works. At yong tipong wala ka nang love life dahil committed kana sa school works. Nakakalungkot di ba? Pero wag na kayong este ako malungkot dahil onti na lang ang aking school works. 

Kumusta na ang aking 12 followers? Haha! Kumusta din ang 21 blogs na finafollow ko? Kumusta kayo? Kilala pa ba natin ang isa’t isa? Na-miss niyo ba ko? Okay lang kahit hindi kasi tinatanong ko lang naman kayo. Di ko naman kayo pinipilit sumagot. Hahaha! Lol.

Ang daming nangyari for two weeks. At isa na dito e ang paninibago ko sa Tumblr. Parang nawalan na ko ng gana magblog ng kahit ano. Lalo na ngayon na ang daming kahati ng atensiyon ko. Di gaya nong mas kabataan ko na ganadong ganado ako magblog ng kahit ano. Kahit yong pinakawalang sense na nangyari naiikwento ko ng napakahaba kahit na in reality e dapat two sentences lang. Ngayon, kahit yong pinakaespesyal na nangyari ngayong linggo e, kinawawalan ko na nang gana i-blog. Siguro dahil mas iniisip kong gawin ang mga bagay na mas dapat gawin tulad ng SCHOOL WORKS sa school ko.

19 years old na ko. 16 years old ako unang nagTumblr. At noon, ang dami kong naiiblog. Haha. Puro text posts nga kasi di ko alam ang photo posts, or audio posts e. Madami na ako naging blog pero pinagdedeactivate ko na kasi ‘Ewan Ko’. Siguro nainis ako sa mga blog na yon. Haha. Saka basta, secret.

Ngayon… tingin ko tumatanda na yata ako kaya di ko na priority/ nawawalan na ko ng time magpost ng blog. Pano pa kaya sa susunod na taon, gagraduate na ko. Soon, magkakaroon na ng trabaho. Tas years later magkaka-lovelife na ko (sana), then after years later, magkakaasawa na ko ang magkakaanak. Ano na lang kaya mangyayari sa blog na to. Maiiblog ko pa kaya yong araw ng kasal ko? Binyag ng anak ko? Ang pagkakaroon ng kotse, ang summer vacation sa Boracay? At ang pag-silver anniversary namin ng asawa ko? Jologs na ba kapag nagbablog pa din ako at the age of 50? Minsan naiisip ko, magbablog pa ba ako kahit matanda na ko?

posted 9 months ago
The harder you want to forget something, the more you seem to remember it.

beben-eleben:

via dalecute · originally by beben-eleben
Track Title: Overdrive

Artist: Barbie's Cradle

Album: The Eraserheads Tribute

Overdrive - Barbie’s Cradle

Gusto kong matutong magdrive kahit walang kotse!

Minsan kasi makontento tayo.

Di naman kasi lahat ng bagay nadadaan sa pilitan. Saka hindi lahat ng bagay na nadadaan sa pilit ay masaya. Kadalasan, mas masakit ang bunga na dulot ng sapilitan na gusto kesa sa kusang binibigay.

posted 9 months ago with 1 note