Funny We Met.

Kapag ang tao nasaktan, lalo na pagdating sa pag-ibig, kala mo kung sinong namatayan, kala mo kung sinong napagkaitan ng mundo, kala mo kung sinong nawalan ng karapatang mabuhay.

Kung di iiyak, maglalasing. Kung hindi maglalasing, iiyak. Pero madalas naglalasing habang umiiyak o umiiyak habang naglalasing. Di naman kasi madaling masaktan o masawi sa pag-ibig, di ba? Lalo na kung iniisip mo na siya na talaga ang nakatadhana sayo. Lalo na pinadama mo lahat ng pagmamahal mo sa kanya. Lalo na kapag naramdaman mong minahal ka din niya (o minsan, parang naramdaman mo lang na minahal ka niya).

Kapag tapos na lahat sa inyo, maaalala mo lahat ng magagandang bagay na nangyari sa inyong dalawa. Perfect lahat. Pero kapag tapos na lahat sa inyo o nagbreak na, lahat ng dating gusto mo sa kanya, kamumuhian mo na. Mula sa kantang dinedicate mo dati sa kanya, favorite food nyo, favorite color, favorite TV show, at lahat ng bagay na makakapagpaalala sa kanya sayo. In short, hate na mararamdaman mo na dati ay love. Ang ironic, pero totoo. Nakakabaliw. Kaya nga may Crazy Little Thing Called Love. Hahaha. Ay ewan.

Pag-ibig sadyang komplikado. HAHAHA.

Hayaan natin ang mga taong hindi tayo naiitindihan kahit gamit ang sariling wika.

Yon lang.

Ang kitid kasi e.

tmblrkopanis:

May mga tao talaga na kung mag-isip e makitid. Sa sobrang kitid, pati simpleng bagay ay hindi nila maintindihan. Kahit simpleng salita lang. Ang makikitid mag-isip, sila yong sarado ang isip sa mga posibleng bagay. Dahil sarado ang isip, hindi matututo. Kung hindi matututo, madali lang yan masaktan. Kapag nasaktan yan, hindi na makakapag isip ng maayos. Dahil hindi nga makakapag-isip ng maayos, hindi na makakain, hindi na makakatulog, at hindi na makakaligo na hahantong sa pagkakasakit. Di ba ang saklap? Dahil sa pagiging makitid ang isip, maaaring ikasawi ng buhay mo. Kaya nga may tinatawag na OPEN-MINDED kasi eto ang tama at eto ang dapat para sa ikauunlad mo.

posted 11 months ago
Ang daming pakialamero.

Pwede ba? Get your life out of here. Lol. Palaaway daw. Haha. Di naman, pero kasi naba-bother ako sa mga taong pati personal life e pinakikialaman. Wala lang. Wala bang ibang magawa? Wala lang. Sabagay nakikialam din ako, minsan. Pero jusmiyo, lahat na lang? Hinay hinay din naman noh. Wala lang. Ay basta wala lang. Wag niyo to pansinin. Ang apektado, GUILTY. :D

posted 11 months ago
Kung kelan pinayagan ka na ng magulang mong magboyfriend..

Saka naman walang matinong lalake. Lahat chupipay. Kainis. Lahat ng gwapo may boypren.

posted 11 months ago
Nakita lang na Holding Hands lang si boy at girl, PBB Teens na agad.

Di ba pwedeng nagpapasa lang ng oras si boy kay girl?

Lol. #InTime<3

Madaling main-love ang lalaki, kaya madali din magsawa.
posted 11 months ago
"MAHAL KITA. Joke lang. =))"
posted 11 months ago
Paano ko sasabihin.

tmblrkopanis:

Ito yong times na may gusto kang bawiin o linawin sa sinabi mo sa isang tao pero hindi mo masabi sabi kasi ~~~~~

Hindi naman sobrang hirap ng sitwasyon na ‘to. Kumbaga lang, di mo matarok yong mga bagay na salita sa pagpapaliwanag mo. Tama, bagay na salita. As in appropriate words/tamang salita to explain. Kasi maling gamit lang na salita, hindi mo na naipahayag ng wasto yong dapat mong sabihin. Parang ang hirap no? Pero sa totoo lang, madali lang naman. Madali lang kaya magsalita. Sows, paggamit ng tamang salita ang mahirap. Haha. Woooh! Yon lang. -_-

posted 12 months ago
Uso nga talaga ang gamitan ngayon.

Trending sa magkakaibigan. Sa bagay, ano pang silbi ng kaibigan mo kung hindi mo gagamitin? Pero siguraduhin mo lang na magpapagamit ka din kasi syempre ang unfair naman kung ikaw lang gagamit sa inyong dalawa. User na tawag sayo kung hindi ka papagamit.

posted 1 year ago
Lahat naman tayo may “Other Side” e.

Yong akala mong mabait, may selfish attitude pala.

Yong akala mong maunawain, siya pala yong hindi makapaghintay at walang pasensya.

Yong akala mong mapagbigay, madamot pala sa totoo lang.

Yong akala mong barumbado, gentleman pala.

Yong akala mong bad girl, siya pala pinakaconcerned sa inyong magkakaibigan.

Hindi porke’t kaibigan mo kasi kilala mo na. Magugulat ka na lang, malalaman mong ganon pala siya e hindi ka sanay at nagulat ka. Edi magbabago na trato at tingin mo sa kanya? Dahil lang sa nag-iisang bad side sa ugali niya, panliliitan mo na siya ng tingin at kagagalitan. Di ba ang unfair naman? Tingin mo sa sarili mo perpekto? At yong tingin mong makitid ang pag-iisip at napakachildish, siya pala pinakanagmamahal sa’yo. Hindi mo alam kasi hindi niya sinasabi, at di lahat ng bagay kailangang sabihin.

Hindi ko naman sinasabing alamin mo na lahat sa kanya ng pwersahan. Hayaan mo siya mismo magsabi sa’yo. Di ba? Magsasabi at magsasabi din yan, kaibigan ka niya e. Syempre kaibigan ka din, tanggapin mo kung sino man siya at sabihin niya. Hindi huhusgahan na lang basta.

posted 1 year ago
Ang masasabi ni Cinderella.

“Hindi namin kailangang ipaliwanag yung side namin, alam namin sa sarili naming wala kaming ginagawang masama

pero kung simula noon hanggang ngayon,
kami pa rin yung lumalabas na masama
gagawin namin kahit mahirap sa part namin,
kahit paulit ulit pa maniwala lang kayo.

#hindikamimagigingganitokungnoonpalangsensitivekana”


Gusto ko tong sinabi ng kaklase ko. Naramdaman ko din kasi na kahit anong gawin naming tingin namin ay tama, nagiging mali pa din sa paningin ng iba. Yong tipong hahanapan ka pa din ng mali sa loob ng tamang ginawa namin. Meron at meron makikitang mali kasi yon yong tinitignan. Kahit anong pagmamataas ang gusto, kung  sa nakakarami ay mali yong ginawa mo, bababa at bababa pa din ang tingin sa’yo dahil sa sobrang taas ng gusto mong marating, pababa na lang ang mapupuntahan mo.

Masyado nang komplikado ang lahat, dahil sa isang mali sa loob ng di mabilang na tama? Mababaw lang, tingin ko.

posted 1 year ago
Di sa pabor ako sa Concert ni Lady Gaga, at di rin sa ayaw ko…

Pero bakit kasi ginawang issue to? Tao lang naman din si Lady Gaga. At choice naman ng tao kung manonood sila, at choice na lang din nila kung padadala sila sa mga kanta ni Lady Gaga. Sabagay, lakas nga naman maka-LSS mga kanta niya. Lady Gaga naman kasi, napakademonic ng chpice of lyrics mo. Pwet ka.

Pero kasi bakit issue to? Nagkaroon pa tuloy ng traffic sa MOA kahapon dahil sa rally nila. Kung nagdasal na lang kaya sila kesa magrally. Naging sagabal pa tuloy. Haha. 

Kung may matinding pananampalataya ka, di ka madadala kay Lady Gaga. Keep the Faith! :)

posted 1 year ago
Di ah! Di naman.. Di masyado.

Eto ang sagot ng mga taong denial sa bintang na puro “siya! siya! siya!” na lang lagi ang pinapaburan, iniisip, iniintindi, at nakikita.

posted 1 year ago with 2 notes
People sometimes prejudge us for what they just heard.

Used to it. Because unfortunately, in this world, majority, are surrounded by narrow-minded heads than those open-minded ones.

posted 1 year ago