Funny We Met.

Apat lang kami kagabi. Yong dalawa kasing Petiks umuwi na. Sayang di sila kasama. Edi mas masaya sana. Last day pa man din kahapon.

Lahat naman tayo may “Other Side” e.

Yong akala mong mabait, may selfish attitude pala.

Yong akala mong maunawain, siya pala yong hindi makapaghintay at walang pasensya.

Yong akala mong mapagbigay, madamot pala sa totoo lang.

Yong akala mong barumbado, gentleman pala.

Yong akala mong bad girl, siya pala pinakaconcerned sa inyong magkakaibigan.

Hindi porke’t kaibigan mo kasi kilala mo na. Magugulat ka na lang, malalaman mong ganon pala siya e hindi ka sanay at nagulat ka. Edi magbabago na trato at tingin mo sa kanya? Dahil lang sa nag-iisang bad side sa ugali niya, panliliitan mo na siya ng tingin at kagagalitan. Di ba ang unfair naman? Tingin mo sa sarili mo perpekto? At yong tingin mong makitid ang pag-iisip at napakachildish, siya pala pinakanagmamahal sa’yo. Hindi mo alam kasi hindi niya sinasabi, at di lahat ng bagay kailangang sabihin.

Hindi ko naman sinasabing alamin mo na lahat sa kanya ng pwersahan. Hayaan mo siya mismo magsabi sa’yo. Di ba? Magsasabi at magsasabi din yan, kaibigan ka niya e. Syempre kaibigan ka din, tanggapin mo kung sino man siya at sabihin niya. Hindi huhusgahan na lang basta.

posted 1 year ago